ni Beth Camia

Wala pang nagreklamo tungkol sa maanomalyang pamamahagi ng ayuda ang Department of the Interior and Local Government.

Ito ang inihayag mi DILG Usec. Jonathan Malaya kasabay ng pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Presidential Anti-Corruption Commission para sa sinasabing mga iregularidad.

Una ang inihayag ni PACC chairman Greco Belgica na umaabot na sa 8,000 ang natanggap nilang reklamo pero hindi pa ito nakararating sa DILG.

Eleksyon

Rep. France Castro, Rep. Arlene Brosas, binisita si Ex-VP Leni sa Naga

“Kami po ay nakikipag-ugnayan na sa PACC tungkol sa complaints na natanggap na nila. Kami po ay nabahala rin na umabot na sa 8,000 ang reklamo ang kanilang natanggap," pahayag ni Malaya.

“Hindi po malinaw sa amin kung anong reklamo ito. So far ang natatanggap namin ay hindi tungkol sa anomalya or corruption,” saad pa ni Malaya.

Mula sa P1,000 hanggang P4,000 ang ayudang tatanggapin ng isang pamilya na pawang residente ng NCR+ bunsod ng ipinatupad na ECQ dulot ng lumalalang sitwasyon sa Covid 19.