ni Mary Ann Santiago

Pumila rin at naghintay upang makapagpabakuna ang aktres na si Connie Reyes, ina ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ayon kay Sotto, nitong Sabado ay nakapagpabakuna na ang kanyang ina sa Pasig City.

Tumalima aniya si Reyes sa polisiyang ‘first-to-update-first-served” sa pagpapabakuna at naging ang ika-6,318 na Pasigueño senior citizen na nabakunahan sa kanilang lungsod.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

“Strictly "FIRST-TO-UPDATE-FIRST-SERVED" para sa mga taong nasa iisang priority group, alinsunod sa DOH guidelines,” ani Sotto, sa kanyang Facebok account. “Following these guidelines, this morning, my mom was the 6,318th Pasigueño senior citizen to get vaccinated! Naghintay siya. Hindi naman siya makapag reklamo dahil siya ang nagturo sa 'kin para maging masunurin batas at alituntunin ng gobyerno!?

Kaugnay nito, sinabi rin ni Sotto na ni-review niya ang datos ng NCR vaccination at napunang magkakalapit lang ang porsiyento ng nabakunahan na sa 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

“Ni-review ko kaninang umaga ang datos ng NCR #vaccination. Minsan feeling natin may mas mabilis o mas mabagal.. pero ang totoo magkakalapit lang ang porsyento ng nabakunahan na sa 17 LGUs ng NCR,” aniya.“Nakabase kasi sa populasyon ang binababa ng DOH (Department of Health). Wala pang LGU order na dumarating.”

Iniulat rin ng alkalde na mahigit na sa 24,000 residente ng Pasig City ang nabakunahan na, kabilang ang mahigit sa 6,000 senior citizens.

“In Pasig, over 24,000 residents have been vaccinated, including 6,000+ senior citizens.Thank you for your patience. We have been introducing system upgrades to the Pasig Health Monitor so that we can confirm receipt of your updates in a more timely manner.Wag mag-alala, basta't nakapag update na kayo ng Profile (may instructions sa Pasig City Public Information Office kung paano), kasama na kayo sa listahan,” anang alkalde