NAKOPO ni National Master Rolando Andador ng Talisay City ang kampeonato sa 26th edition ng España Chess Club Manila na tinampukang "Marianito Faeldonia's 77th Birthday.

Nakilala sa chess world si Andador sapul ng maghari sa 1995 Philippine Junior Championships. Kasalukuyan si Andador ay isa sa top players ng Philippine National Police chess team na nasa kandili ni PNP chess coach Joms Pascua.

Kabilang sa mga nakapasok sa top 10 ay sina 2nd place Romeo Sadia III, 3rd place NM Jasper Rom, 4th place Ravel Canlas, 5th Teorwin Talapian, 6th place Joshua Bautista, 7th place Jayson Visca, 8th place Ronald Berdera, 9th place, Eric Mordido at 10th place NM Julius Sinangote.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga category winners ay sina Nephtali Bantang (Top RCC), Ezechias Francisco (Top 2000 & below ), Brigido Jr. Cabiguin (Top 1900 & below ), Hilbert Refuerzo (Top 1800 & below), Jerick Faeldonia (Top kiddie 13 under) at Jesca Docena (Top lady).