Ni Edwin Rollon
HUWAG sayangin ang ibinigay na pagkakataon.
Ito ang pakiusap at taos-pusong mensahe ni Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ambassador Dondon Hontiveros sa mga playhers at opisyal na napabilang sa kauna-unahang professional basketball league sa South sa gitna ng kontrobersya na bumalot sa bagong tatag na liga.
Kilala bilang 'Cebuano Hotshot' at ilan sa mga homegrown player na sumikat mula sa nabuwag na ring Metropolitan Basketball Association (MBA) mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas, nagbigay ng kanyang saloobin ang ngayo’y Konesal sa Cebu City matapos masangkot sa diumano’y game-xing ang buong Siquijor Mystics at ilang miyembro ng ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes.
Naging sentro ng mainit na usapin sa social media ang naturang laro na naipalabas sa livestreaming sa iba’t ibang social media account kabilang na ang FaceBook at YouTubeThe dahil sa tahasang kabalba;an ng mga players na maging simpleng layup ay isinasablay at wala sa wisyo ang mga free throw na ikinairita ng ilang basketball personalities dahil sa pagiging ‘unprofessional’ at kawal;an ng respeto sa laro. Natapos ang halftime sa 27-13 bentahe ang ARQ, ngunit hindi na tinapos ang laro bunsod ng power interruption.
Sa isinagawang imbestigasyon ng VisMin Cup management hindi direktang natukoy ang game-fixing, subalit luting ang kawalan ng interest ng magkabilang koponan na maglaro ng maayos at Manalo ng laro.
Dahil dito pinatawan ng banned ang buong Siquijor at pinagmulta angmga players at coaching staff, habang suspindido ng buong season ang isang player ng ARQ habang suspindio ng buong first round ang apat na iba pang players kasama ang kanilang coach bukod na sa multa.
“I’m with you guys sa nainis sa situation,” pahayag ni Hontiveros. This is not what we envisioned in helping the people sa VisMin Cup.”
Nauna nang inalok si Hontiveros na maghing commissioner ng liga, ngunit kasabay nito ang naging appointment niya sa Phoenix Super LPG bilang consultant.
Ikinalungkot ni Hontiveros ang tila pagbabalewala ng ilan sa konsepto ng liga at sa misyon nito na mabigyan ng hanap-buhay ang mga players, at iba pa sa gitna ng pandemic.“The main purpose of this event is to give players jobs and give unknown players a break. I hope this would serve as a lesson and a warning that they won’t waste this opportunity that was given to them,”? pahayag ni Hontiveros.