ni DANNY ESTACIO

LUCENA CITY- Isang hindi nakilalang lalaki ang binawian ng buhay matapos umanong tumalon mula sa isang underpass ng lungsod kahapon ng umaga.

Kinikilala pa ng pulisya ang nasawi na tinatayang nasa 30-40 taong gulang, nakasuot ng dilaw na t-shirt, asul na short pants at may tattoo sa kanang binti.

Ayon kay Lucena Police chief, Lt. Col. Romulo Albacea, ang insidente ay naganap sa underpass sa Bgy.Gulang-gulang, dakong 7:45 ng umaga.

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival

Dead on arrival sa ospital ang lalaki sanhi ng matinding pinsala sa ulo nito, ayon pa sa pulisya.