ALCANTARA — Nasungkit ng Dumaguete Warriors ang unang panalo sa Visayas leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup nang mapasuko ang Tubigon Bohol Mariners, 88-73, Biyernes ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Mula sa pitong puntos na bentahe, 62-55, umarya ng tuluyan ang Warriors sa 79-62 nang sumiklab ang outside shooting nina guards James Regalado at Jaybie Mantilla may 6:21 ang nalalabi sa laro.

Naitarak ng Dumaguete ang pinakamalaking bentahe sa 19 puntos, 82-63, mula sa three-pointer ni Regalado .

“China-challenge ko lang sarili ko kasi nung first half hindi ako makabutas. Kaya sabi ko sa sarili ko na papasok din to. Ayun nakabutas naman,” pahayag ni Regalado/

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kumpiyansa andyan naman pero yung timing lang talaga himahanap ko,” aniya.

Nauna rito, nakopo ng KCS Computer Specialist-Mandaue City ang ikatlong panalo sa apat na laro nang pabagsakin ang Tabogon Voyagers, 86-53.

Matibay na depensa ang inilatag ng KCS, habang impresibog fast break play ang ipinanlaban sa Voyagers tungo sa 22-13 bentahe sa pagtatapos ng first quarter.

Hindi na bumitaw ang KCS ang napalawig ang kalamangan sa pinakamalaking 33 puntos sa kaagahan ng final period. Nalimitahan ng mga bataan ni coach Mike Reyes ang Voyagers sa 29-percent shooting at maipuwersa ang 20 turnovers.

Nanguna si Dyll Roncal sa KCS na may 15 puntos, pitong rebounds, tatlong assists, at isang steal.

“I just am focused on becoming more mature in this league and always being receptive to advise from our coaches, the kuyas of the team and of course, my parents,” pahayag ng 6-foot-2 na si Roncal.

Ratsada si Jerick Nacpil sa natipang tournament-high 27 puntos, anim na rebounds, dalawang assists at dalawang blocks, habang kumana sina Mantilla at Regalado – kapwa produkto ng University of San Jose-Recoletos – ng 21 at 18 puntos para matuldukan ang two-game losing skid ng Dumaguete,

Kumabig sa Bohol sina Wade Cabizares at Pari Llagas na may 12 at 10 puntos,

Iskor:

KCS-Mandaue (86) — Roncal 15, Nalos 14, Delator 10, Cachuela 10, Mendoza 8, Octobre 7, Soliva 6, Solera 6, Bonganciso 4, Mercader 2, Imperial 2, Castro 2

Tabogon (53) — Bringas 12, De Ocampo 7, Vitug 7, Sombero 5, Orquina 5, Sombero 5, Lacastesantos 5, Bersabal 4, Diaz 3, Caballero 0

Quarterscores: 22-13, 45-28, 61-42, 86-53.

Dumaguete (88)—Nacpil 27, Mantilla 21, Regalado 18, Roy 7, Doligon 4, Gonzalgo 4, Ramirez 3, Gabas 2, Aguilar 2, Monteclaro 0, Velasquez 0, Tomilloso 0, Porlares 0, Macaballug 0

Bohol (73)—Marquez 23, Dadjijul 23, Cabizares 12, Llagas 10, Tilos 5, Casera 0, Tangunan 0, Ibarra 0, Apolonias 0, Montilla 0, Leonida 0, Musngi 0, Fabian 0

Quarterscores: 24-16, 43-38, 62-55, 88-73