ni Fer Taboy

Pinaalalahanan kahapon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Alfredo Baluran ang mga residente sa lungsod lalo na ang mga naninirahan sa flood and landslide prone areas na manatiling alerto sa epekto ng Bagyong “Bising.”

Ayon kay Baluran na nakahanda na ngayon ang iba’t ibang rescue team ng lungsod at mga evacuation center kung sakaling makaranas ng pagtaas ng tubig ang mga ilog lalo na ngayon na ramdan na ang mga pag-ulan sa siyudad.

Pinayuhan rin ni Baluran ang mga naninirahan malapit sa Davao River na agad lumikas para hindi malagay sa alanganin ang sitwasyon lalo na at kabilang ang Davao sa mga isinailalim sa signal number 1.

National

Atty. Kaufman, pinuri pag-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD

Sinabi pa ni Baluran na magsasagawa sila ng pagbisita sa mga naninirahan sa flood prone areas para agad na makapaghanda ang mga ito.