ni Fer Taboy

Nagbabala kahapon si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang mga pulis sa lalawigan na iwasan ang pananakit sa mga quarantine violators.

Ito’y matapos lumabas ang isyu kaugnay sa pagpanaw sa ilang mga lumabag sa quarantine matapos parusahan sa pamamagitan ng pagpalo at pag-ehersisyo.

Hiniling ng Gobernadora kay Cebu Provincial Police Office (CCPO) OIC Director Police Col. Engelbert Soriano, na mas makakabuti kung pagsabihan na lang ang mga violators na sumunod sa protocols sa halip na parusahan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Kaugnay nito, maglalabas ng memorandum si Garcia para sa mga alkalde ng lalawigan na kung maaari tanggalin na ang pagpataw ng multa sa mga violators.

Ito’y matapos nakita ng Gobernadora na karamihan ay nakakaranas ng hirap sa buhay dahil sa krisis at lalung magpapahirap lang aniya sa mga violators ang ipinapataw na multa.

Tinitiyak ni Soriano na hindi mangyayari sa Cebu ang napaulat na isyu sa Luzon area kung saan nakaranas umano ng pagmamaltrato ang ilan sa mga quarantine violators.

Suportado ni Soriano ang hakbang na ipapatupad ni Governor Garcia lalo na ang pagpabangon muli sa ekonomiya ng probinsiya.