Sa isang virtual economic briefing bilang paggunita ng ika-75 anibersaryo ng post-war bilateral relation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, deretsahan ang naging mensahe ni Finance Secretary Carlos Dominguez: “This pandemic is a test of fiscal stamina and it was fortunate that when it hit us, the Philippines was financially ready.”
Una, ang reporma sa buwis na pinasimulan ng administrasyong Duterte nang maupo ito sa opisina noong kalagitnaan ng 2016 ay nagsiguro sa tuloy-tuloy na daloy ng kita upang malimitahan ang matinding epekto nang ipinatupad ang lockdown sa buong Luzon sa kasagsagan ng outbreak noong Marso 2020.
Ikalawa, “our record of fiscal discipline eased access to urgent financing as we battled the pandemic.” Sa kabila ng paglobo ngdebt-to-GDP ratio ng bansa mula sa makasaysayang 39.6 porsiyento noong 2019 patungong higit 54.5 porsiyento nitong nakaraang taon, “we had ample fiscal space to absorb the huge financial shock” dala ng magkasabay na salik ng biglaang gastos at pagbaba ng koleksyon ng buwis.
Ikatlo, sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya, ipinasa ng pamahalaan ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) na pinupuri ng business sector bilang pinakamahalagang piskal na reporma sa nakalipas na tatlong dekada. Aniya, nagbubukas ito ng oportunidad “to deepen our trade and investment partnership with the United States by incentivizing industries with higher value-added activities.”
Sa pagbubuod ni Dominguez ng kanyang positibong pagsusuri: “Clearly, the game-changing economic and fiscal reforms we had institutionalized over the last five years cemented our overall macroeconomic stability and allowed us to respond decisively to this health crisis.”
Walang magiging kuwestiyon ang naging pagpapahayag ng finance secretary sa mga hakbang ng administrasyon sa pagtatayo ng matibay na pundasyon para mapatatag ang macroeconomic stability.Ngunit gaano karami ang magbibigay ng katulad na mataas na marka sa paraan ng pamamahala nito sa nararanasang krisis pangkalusugan?
Kasama ng pagbanggit sa COVID-19 mortality rate ng Pilipinas na 14 patay sa bawat 100,000 populasyon, naobserbahan niya na “If the European Union had the same record as the Philippines today, it would have lost around 62,000 people due to COVID-19, and not the over 650,000 deaths we are seeing so far.” Aniya, nasa 140 milyong doses na ang in-order upang mapunan ang target ng bansa na mabakunahan ang 70 porsiyento ng adult population nito ngayong taon: 15 porsiyento ang maide-deliver sa unang bahagi ng taon at 85 porsiyento sa ikalawang bahagi.
Sa pagsusuma ni Dominguez sa naging plano ng pamahalaan: “In this battle against COVID-19, we are committed to continue striking a delicate balance between providing substantial support to the economy and maintaining our policy of long-term debt sustainability.”
Sa halip na tumuon sa dagdag na stimulus program upang matugunan ang mabagal na pag-usad ng ekonomiya, sinabi niyang mananatili sa takbo ang pamahalaan at ipagpapatuloy ang agresibong Build Build Build program “[it’s] main strategy to help Filipinos lift themselves from poverty.”
Panahon lamang ang makapagsasabi kung uubra ang estratehiya. Buwan na lamang ang bibilangan, ibibigay ng mga Pilipino ang kanilang hatol sa pagboto ng susunod na Pangulo.