ni Leandro Alborote

TARLAC PROVINCE-  Pumalo na sa malaking bilang na residente sa lalawigangTarlac ang naapektuhan sa virus na dulot ng COVID-19 na aktibo pang lumalaganap sa bansa at ibayong dagat.

Nabatid sa rekord ng Dapartment of Health (DOH) na nakapagtala sila sa linggong ito ng 484 katao ang tinamaan sa sakit na hinihinalang nagkahawaan na.

Ang mga tinamaan sa virus ay nagmula sa lunsod ng Tarlac,  mga bayan sa Camiling, Victoria, Gerona, Concepcion, Moncada, Ramos, Capas, Pura, Anao, Mayantoc, Paniqui at Capas kung saan ang mga tinamaan ay naka-quarantine na sa kani-kanilang mga bahay at hospitals.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Kaugnay ng naturang problema ay hiniling ng karamihang naapektuhan sa COVID-19 na muling ibalik ang pagbibigay ng ayuda sa lalawigang Tarlac upang matustusan ang pang-araw araw na gastusin.

Sa Metro Manila at iba pang karatig lugar, dahil sa pagdami ng mga naapektuhan sa COVID-19 ay nagpasya ang pamahalaan sa naturang lugar na magkaroon ng panibagong ayuda.Ang pangunahing problema ng tao ay pagkain at pera para makaahon sa kasalukuyang pandemya. 

Sinisigaw ng mga tao sa apat na sulok ng lalawigang Tarlac ay Ayuda...Ayuda...Ayuda at wala ng iba pa.