ni Light A. Nolasco

ZARAGOZA, NUEVA ECIJA-------Dahil sa pagtatago ng halos 12-taon, nadakip na rin sa wakas ng Zaragoza PS at Ilocos Norte PS ang binatang akusado sa kasong panggahasa sa isang menor-de-edad matapos matunton ng intelligence tracking team hideout nito sa Brgy.Tambidao, Bacarra, Ilocos Norte nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PMaj. Jaime Ferrer, Zaragoza police chief, nakorner nila ang suspek na si Felvin Tagaza, nasa hustong gulang, residente ng San Rafael ng naturang bayan na matagal ng tinutugis at pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong panggagahas sa isang menor-de-edad at nakatala sa most wanted persons ng Zaragoza PNP.

Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Evelyn Dimaculangan-Querijero ng RTC-Cabanatuan City noongpang Setyembre 17, 2008 na walang inirekomendang piyansa kay Tagaza.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Nagtungo pa sa Ilocos Norte ang NE-Police nitong Martes ng gabi na nagresulta sa pagkakadakip kay Tagaza na mapayapang sumuko sa mgaarresting team.

"Talagang malayo at nakapapagod na biyahe sa ginawa ng mga pulis natin para mahuli ang suspek", ani PMaj. Ferrer. 

Nasa kostudiya na ng Zaragoza MPS ang nasakoteng 'rape suspek'