ni LIGHT NOLASCO

PANTABANGAN, Nueva Ecija— Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) at Bureau of Immigration (BI)  ang isang wanted na South Korean sa Bgy. Malbang ng naturang bayan, kamakailan.

Sa pagsisiyasat ni PCpl. Vir-Vic Bautista, may hawak ng kaso, nakilala ang banyaga na Ai Jung Myunhun.

Isinagawa ang pag-aresto nang humingi ng tulong ang nga awtoridad ng South Korea dahil sa mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng dayuhan.

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival

Nasa kustodiya na ng CIDG-Major Crime Investigation Unit ang nasabing banyaga.