ni Beth D. Camia
Sa kadahilanang siksikan sa mga kulungan, pinapasama ng Commission on Human Rights ang mga preso sa listahan ng prayoridad na mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19).
“Those who are high-risk inmates for COVID-19 should be prioritized for inoculation with the same treatment with comparative groups in the general population,” pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.
“More so in times of national health crisis, the government is obligated to account for the treatment of people deprived of their liberty, and must take appropriate steps to safeguard their lives and health,” punto pa nito.
Una sa prayoridad na mabakunahan ang mga health worker, senior citizen, persons with comorbidities at kasunod nito ang mga guro, opisyal ng gobyerno, at mga essential worker.
“We urge the government to lend clarity on the country’s vaccination plan, policies, and treatment strategies as the impact of the pandemic is graver for vulnerable populations, including those incarcerated. No one should be left behind,” ani de Guia.
Kinalampag din ng CHR ang gobyerno na maglabas ng “up-to-date and reliable data” sa kaso ng COVID-19 sa mga kulungan sa bansa upang matingnan ang sitwasyon ng mga pasilidad.
Naitala ang halos 2,000 kaso ng sakit sa loob ng kulungan kung saan 25 ang nasawi nitong nakaraang taon ayon sa Bureau of Jail Management and Penology.
Sa bilang na ito, halos 1,000 ang mga tauhan ng BJMP.