ni Orly L. Barcala

Isinusulong ngayon ni Malabon Lone District Representative Jaye Lacson-Noel sa committee level ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayon magtayo ng National Rehabilitation at Physiotherapy Center sa lungsod para sa mga Persons with Disabilities (PWDs).

Ayon kay Congresswoman  Jaye ,  siyang may akda ng nasabing panukalang batas,   layunin nito na  makatuwang ang lokal na pamahalaan upang makapabigay ng maayos na pamumuhay at mapabuti ang estado ng buhay ng bawat PWDs.

Sa ngayon ay diringgin pa sa unang pagbasa ang panukalang batas at hibihimay  ang pondong ilalaan dito para sa pagpapagawa ng Physiotherapy at inaasahan na sa tabi ito ng city hall itatayo para maging konbintenyeng puntahan ng mga PWD's.

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

"Kasi napansin ko na mayroon tayong schools para sa mga PWD's at yung rehabilitation center eh wala pa sa Malabon, kaya nag-decide ako na maglaan  ng pondo para pagtayuan ng physiotherapy center," ani Rep. Jaye. 

Maliban dito, sinabi niyang malaking tulong ang National Rehabilitation at Physiotherapy Centers sa mga PWD's para mas mapabuti ang kanilang kalagayan.

Inaasahan din sa pasilidad na ito ay mabibigyan ang bawat PWDs ng quality treatment sa kanilang physical, mental, at sensory disabilities. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng physical, occupational, at speech therapy.