ni Jhon Aldrin Casinas
Nahihirapan ngayon ang gobyerno na makakuha ng sapat na supply ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Ito ang inamin ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kahapon.
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, aminado rin ito sa kakulangan ng bakuna sa buong mundo.
“Itong vaccine na itong pinag-usapan natin ganito, wala sana ito kung mayroong vaccine available. Eh wala,Hanggang ngayon the word ‘unavailable’ is nandiyan. Unavailable because there are not—there’s no sufficient supply to inoculate the world,” ayon sa pangulo.
Kinumpirma rin ni Duterte na ang ide-deliver na stocks ng bakuna sa bansa ay nakalaan lamang para sa mgahealthcare workers.