ni Beth D. Camia

Hindi dapat iatas sa isang Pangulo ang lubos na kapangyarihan sa pagtatala ng mga miyembro ng hudikatura.

Ito ang giit ni dating Supreme Court (SC) Justice Antonio Carpio kasabay ng hirit na dapat irebisyon ang 1987 Constitution upang limitahan ang kapangyarihan ng isang Pangulo sa pagtatalaga ng mga hukom.

Aniya dapat hatiin ng tatlong sangay ng gobyerno ang kapangyarihang pumili ng hukom.

Kung walang farmer, walang teacher—Pangilinan

“You have to maintain a balance,” ani Carpio sa isang panayam ng GMA News.

Sa kasalukuyan, ang isang Pangulo lamang ang may kapangyarihang magtala ng hukom na pinipili ng Judicial and Bar Council (JBC).

“We never expected that one president can appoint almost all [justices of] the Supreme Court,” dagdag ng dating SC justice.

Inirekomenda rin ni Carpio ang fixed term para sa mga miyembro ng JBC at walang reappointment.

Sa kasalukuyang administrasyon, 11 sa 14 mahistrado ay itinalaga ni Pangulong Duterte.

“Democracy is not perfect. We have to improve,” giit ni Carpio.