ni Bert de Guzman

Matapos ilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang Bayanihan E-Konsulta project, sinimulan ding ilunsad ni Vice Pres. Leni Robredo nitong Miyerkules ang isang mobile testing laboratory na naglalayong ma-decongest at mapigilan ang transmisyon ng COVID-19 sa mga ospital sa Metro Manila. 

Ang mobile testing lab ay magkakaloob ng libreng COVID-19 test, X-ray at blood test sa mga pasyente na ni-refer ng kanilang mga doktor mula sa E-Konsulta.

“We tried this initiative to support the Bayanihan E-Konsulta. This is very replicable and very doable,” ani Robredo sa isang video message sa kanyang official Facebook page.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

"Kung ang lahat ng LGUs (local government units) ay gagawin lang ito, maaari nating ma-decongest ang mga ospital,,” sabi ng Bise Presidente.

Aniya, nag-hire ng dalawang unit ng ambulance ang kanyang tanggapan para sumundo ng mga pasyente. Maaari din aniyang gawin o gayahin ito ng mga pribadong kompanya para sa kanilang mga empleado.