ni Fer Taboy

Inaresto ng pulisya ang isang umano’y kidnapper na misis ng isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu, kamakailan.

Kinilala ni PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Director Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang suspek na si Nur Aina Basaluddin Alihasan, alyas Indah Nur Aina/Inda Nhur Yadah, na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom.

Si Alihasan ay asawa ni ASG sub-leader Ben Tattoo at nagsisilbing spotter at food supplier ng grupo.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Ayon naman kay PNP AKG spokesperson Lt. Col. Ronaldo Lumactod, ang suspek ay responsable umano sa pagdukot sa dalawang pulis sa Patikul, Sulu noong April 2018 at sangkotndi umano ito sa iba pang insidente ng pagdukot sa Sulu.

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa Patikul, Sulu Provincial Jail.