ni BERT DE GUZMAN

Ibinunyag ng isang kongresista na kahit mga patay na, menor de edad at naninirahan na sa abroad ay kabilang pa rin sa 22.9 milyong Pilipinong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang pagbubunyag, sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Congressman Jericho Nograles na sa Brgy. 44 Pasay City, isang tao na matagal nang patay noon pang Agosto 2020, mga menor de edad na hindi kuwalipikado bilang beneficiaries, at isang dating kasambahay na ngayon ay sa Mindanao na nakatira, ay kasama sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang cash aid recipients.

“My office received inquiries and reports on questionable beneficiaries. This comes as no surprise, but clearly, the DSWD and the COA should look into this,” ani Nograles.

National

Atty. Kaufman, pinuri pag-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD

Sa Cainta, Rizal,isang tao na nakatira at nagtatrabaho sa Qatar ay nakalista rin bilang recipient.

Ang NCR plus isang lugar na saklaw ang National Capital Region at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Sinabi nito na ang ganitong mga kaso ay nagpapahiwatig na libu-libong hindi kuwalipikadong tao ang nasa listahan ng SAP.