ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY-------Binuksan na ng Mega Drug Abuse Treatment & Rehab Center, na Chinese donation para sa mga drug dependendentsna nasa loob mismo ng Fort Magsaysay Military Camp sa Palayan City na may 400-beds capacity ang ilalaan para sa coronavirus patients.

Ito ang napag-alaman ng BALITA mula kay MDATRC chierf na si Dr. Nelson Dancel na ang lugar ay tinawag na "Temporary Treatment &Monitoring Facility" o (TTMF) na pinatatakbo ng Bureau of Quarantine.

"Para sa mga COVID-19 patients talaga 'yan", ani Dancel na kung saan ay ang area ay para sa mga 0verseas Filipino Workers o OFWs. na mga na-quarantine noong last year. 

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Sa ngayon, angTTMF ay may 90 pasyente kabilang ang mga sundalo,habang ang DATRC ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOH ay ang TTMFay may sariling st staff.

Tanging ang DOH-3 lamang ang pupuwedeng mag-rekomenda ng mga pasyenteng dapay na ma-confined.

Nagpapatupad din ng mahigpit na health protocols sa pasilidad atmula sa basic rules sa sanitation at iba pa at may temporary ban sa pag-bisita o pagdalaw sa ospital.

Mayroon din mga physical barriers sa pagitan ng mga residente atcounselors, dagdag pa ng opisyal ng TTMF.