ni MERCY LEJARDE

Sa panahon ng walang kasiguruhan, mahirap makahanap ng pag-asa at inspirasyon sa araw-araw. Ngunit sa bagong ABS-CBN inspirational series na Huwag Kang Mangamba, makikita sa kwento nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) na kayang kayang harapin ang mga pagsubok sa buhay gaano man kahirap ang pinagdadaanan.

Narito ang mga mahahalagang aral sa serye na napapanahon ngayon:

1.Laging nandiyan ang Diyos

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Sa kabila ng pagkabulag at paghihirap ni Mira, nanatiling matatag ang loob niya dahil sa paniniwala niya sa Diyos Dahil dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang anumang laban sa buhay basta’t nagtitiwala siya kay Bro.

2.Ipagpasalamat ang mga biyayang natatanggap, maging ang maliliit na bagay

Kahit na lumaki siyang walang pamilya, hindi ito naging hadlang para kay Mira na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa halip, mas tinitingnan at pinapasalamatan ni Mira ang mga taong tunay na kumakalinga at nagmamahal sa kanya, tulad na lamang ni Ate Barang (Sylvia Sanchez).

3.Laging nangingibabaw ang kabutihan

Sa kabila ng pang-aabuso at pagtataboy sa kanya ng kanyang pamilya, may kabutihan pa rin sa puso ni Joy. Pinipili pa rin niyang maging isang mabuting tao kahit na nahihirapan siyang makisama sa iba, habang ipinapakita naman nina Mira, Father Seb (Enchong Dee), at Darling (Angeline Quinto) ang pagmamalasakit para sa kanya.

4.Walang pagsubok na hindi kayang harapin

Pinapatunayan ni Mira na kahit gaano pa katindi ang kailangang tiisin sa buhay, hindi dapat sumuko. Ilang beses man niyang pinagdudahan ang kanyang kakayahan na tuparin ang misyon ni Bro, nananaig pa rin ang kanyang tiwala na magandang resulta ang maidudulot nito.

5.Mahalaga ang pagmamahal para sa pamilya

Makikita ang kahalagahan ng pamilya sa mga sakripisyo ng tatay ni Pio (Seth Fedelin) para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya pati na rin kay Deborah (Eula Valdes), na gagawin ang lahat para maprotektahan ang mga mahal sa buhay. Kahit naman hindi magkadugo sina Mira at Ate Barang, mag-ina na ang turingan nila dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nila sa isa’t isa.

Subaybayan ang mahahalagang aral na mapupulot sa “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.