ALCANTARA — Tuloy ang aksiyon sa Vismin Super Cup. Tuloy din ang hataw ng KCS Computer Specialist-Mandaue City.

Matikas ang simula ng KCS tungo sa dominanteng 86-53 panalo laban sa Tabogon Voyagers nitong Biyernes para sa ikatlong panalo sa apat na laro sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Matibay na depensa ang inilatag ng KCS, habang impresibog fast break play ang ipinanlaban sa Voyagers tungo sa 22-13 bentahe sa pagtatapos ng first quarter.

Hindi na bumitaw ang KCS ang napalawig ang kalamangan sa pinakamalaking 33 puntos sa kaagahan ng final period. Nalimitahan ng mga bataan ni coach Mike Reyes ang Voyagers sa 29-percent shooting at maipuwersa ang 20 turnovers.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nanguna si Dyll Roncal sa KCS na may 15 puntos, pitong rebounds, tatlong assists, at isang steal.

“I just am focused on becoming more mature in this league and always being receptive to advise from our coaches, the kuyas of the team and of course, my parents,” pahayag ng 6-foot-2 na si Roncal.

Nag-ambag si Joseph Nalos ng 14 puntos, pitong boards, apat na assists, tatlong steals, at isang blocked shot, habang kumana sina Gileant Delator at Red Cachuela ng 10 puntos at anim na rebounds.

Tanging si Arvie Bringas ang nakaiskor ng double digit sa Tabogon(1-2) sa nakubrang 12 puntos. The Voyagers dropped to 1-2.

Magbabalik ang KCS-Mandaue sa Martes labana sa ARQ Builders-Lapu Lapu ganap na 7:00 ng gabi, habang mapapalaban ang Tabogon sa Dumaguete bukas.

Iskor:

KCS-Mandaue (86) — Roncal 15, Nalos 14, Delator 10, Cachuela 10, Mendoza 8, Octobre 7, Soliva 6, Solera 6, Bonganciso 4, Mercader 2, Imperial 2, Castro 2

Tabogon (53) — Bringas 12, De Ocampo 7, Vitug 7, Sombero 5, Orquina 5, Sombero 5, Lacastesantos 5, Bersabal 4, Diaz 3, Caballero 0

Quarterscores: 22-13, 45-28, 61-42, 86-53.