ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

Naiiba ang paraan ng pagdiriwang ng 69th monthsary ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na kilala bilang AlDub.

‘Di tulad ng mga nakaraang taon kung saan ang “tito’s and tita’s” na bumubuo sa majority ng fandom ay nagbabahagian lamang ng goodvibes, kasama ng mga old photos ng dalawa, ngayon tila tinalikuran na ng mga ito ang management ng kanilang minamahal na love team.

Bagamat may mga tweets na medyo inosente, na humihikayat ng prayers para sa kanilang fellow Aldub Nation members at may “#TBADNBoycottMZETxAPT40” sa dulo ng post.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang iba ay tila nakatuon sa kanilang iisang hangarin, sa pagsasabing, “matagal na tayong taken for granted, patigasan na lang! Boycott pa mooooreee!”

Lahat ng post na ito ay umaabot na ng higit 18,000 tweets as of writing, dahilan upang maging isa sa most trending.

Ang M-ZET ay isang film and TV production company na pag-aari ni Vic Sotto, habang ang APT entertainment ay ang production company na nag-produced ng Aldub films na Imagine You and Me, My Bebe Love: #KiligPaMore.