ni Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang sinumang indibidwal o anumang korporasyon ang awtorisado upang gamitin ang draw result ng kanilang lotto at digit games sa anumang uri ng sugal.

Ang paglilinaw ay ginawa ng PCSO matapos na mamonitor nila na may kumakalat na ‘unauthorized games’ na isinasagawa online.

Ayon sa PCSO, nagpapataya umano ang mga naturang indibidwal online at ang ginagamit ay ang draw results ng lotto at digit games.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Nabatid na isa sa mga laro ay ‘lucky pick 3’ o kapag nahulaan ang tatlong numero na kukuhanin sa resulta ng Grand Lotto 6/55, ay panalo na kaagad ang tumaya.

“This is to inform the public that the PCSO Board of Directors have not authorized any individual or corporation to use the PCSO lotto and digit games draw results for any form of gambling,” paglilinaw naman ng PCSO.

Umapela rin ito sa publiko na kung may nalalaman silang ganitong mga palaro ay kaagad itong isumbong sa PCSO o kaya ay sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

“We appeal to the public to report to PCSO or to the nearest police authorities any knowledge of such undertaking,” anito pa.“We encourage everyone to stay home and stay safe.”