ni MARY ANN SANTIAGO

Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi pa nila mabatid kung gaano katagal ang bisa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na itinuturok sa mamamayan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maging ang mga international experts ay walang datos kung gaano katagal ang bisa ng bakuna kontra COVID-19 sa mga indibidwal na naturukan nito.

Bilang tugon sa mga impormasyon na nakararating sa DOH, sinabi ni Duque na "in general", tumatagal ang bisa ng bakuna mula anim hanggang siyam na buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ngayon aniya ay patuloy ang DOH sa pagsagap ng mga impormasyon sa mga eksperto ng mga pharmaceutical companies ukol sa pagbibigay ng booster sa bakuna para mapataas ang haba ng pagiging epektibo nito.

“Whether we need to adopt a booster dose policy, that remains to be seen because we still don't have sufficient data precisely to establish how long these vaccines can provide protection,” dagdag pa ng opisyal.