GINAPI ni PH Chess wunderkind Al Basher Jumangit Buto ang mas may karanasang katunggali para magkampeon sa Bawah 12 Tahun Putrajaya (Under 12 category, Malaysia virtual chess tournament) 2021 chess online tournament nitong Sabado.

Ang 11-year-old Buto, Grade Five pupil ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal, ay suportado nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Senior Deputy Speaker Rep. Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr., Sen. Ping Lacson at ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM) ay nakalikom ng tenth victories out of the possible eleven kasama ang impressive final-round triumph kontra kay Muthupyr ng Chenai, India matapos ang 62 moves ng Scotch Opening para maghari sa 10 minutes rapid time control format na nilahukan ng 1,997 young chess players worldwide na inorganisa ng Kejohanan Catur Atas Talian Piala Timbalan Menteri Wilayah of Malaysia.

Ang young Cainta-based Maranao chess player na tubong Marawi City ay sariwa pa sa pagkapanalo sa Luzon Leg ng Philippine Sports Commission-National Chess Federation of the Philippines online selection tournament nitong nakaraang Huwebes.

Kabilang sa mga naipanalo ni Buto ay kontra kina Tavamathie Surendran ng Malaysia sa first round, Izzat Naqib ng Malaysia sa second round, Emily May Rosly ng Malaysia sa third round, Shreeneshen ng Malaysia sa fourth round, CK ng Malaysia sa fifth round, Wei Shen Yeoh ng Malaysia sa sixth round, Hasif ng Malaysia sa seventh round, Suryavarman Chandrasekar ng Singapore sa ninth round at Ree Herng Shen ng Malaysia sa tenth round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naikamada niya nag iisang tabla sa eight round sa kamay ni Quinsha Adinda Syahirah ng Indonesia.

Bida din ang nakatatandang kapatid na si Rohanisah Buto, na nag 2nd sa Under 17 category.

Habang ang nakatatanda ding kapatid na si Alysah Buto (7/9) ay 21st place out-of-509 players sa Under 17 category at Abdul Buto (7/9) ay 49th place out-of-634 players sa Under 15 category.

Ating magugunita nitong Marso 16, ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay nagpasa ng Resolution No. 356 na nagbibigay pagkilala kay Al-Basher sa kanyang tagumpay sa national at international chess championships, at makatangap ng suporta sa hinaharap sa Session No. 55 sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.

Ang resolution ay ipinakilala ng mga principal authors miymebro ng Parliament Atty. Rasol Mitmug, Jr., Atty. Laisa Alamia, Suharto Ambolodto, Engr. Baintan Adil-Ampatuan, Amilbahar Mawallil, Rasul Ismael, at Engr. Don Mustapha Loong.