ni Bert de Guzman

Tatalakayin ng Kamara sa susunod na linggo ang panukalang Bayanihan 3 law na magkakaloob ng panibagong economic stimulus sa mga negosyo at ayuda (cash assistance) sa mga manggagawa at low-income families na apektado ng Covid-19.

Ang Kapulungan ay naka-break ngayon. Ang komite ng Appropriations at komite ng economic affairs ay magpupulong para talakayin ang Bayanihan 3 bill.

"Naniniwala ang mga lider ng Kamara na maipapasa agad ang panukala sa committee level para maipadala sa plenary debate kapag nag-resume na ang sesyon sa Mayo 17.       Inihayag ni Speaker Lord Allan Velasco, principal author ng Bill 8628 (Bayanihan to Arise As One Act),” na nakausap niya ang mga economic manager ng administrasyon at sinabing naghahanap sila ng pondo para sa P420-billion measure.

Kung walang farmer, walang teacher—Pangilinan

"I am thankful to Secretary (Carlos) Dominguez and Secretary (Wendel) Avisado for recognizing the importance of Bayanihan 3 in addressing the financial gaps to better manage the government’s response to the pandemic. Our economic managers see Bayanihan 3 as a lifeline for many Filipinos facing economic hardship during this crisis,” anang Speaker.

Samantala, sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero na plano rin ng Kapulungan na tumawag ng special session para mapagtibay ang panukalang Bayanihan 3.