ni Beth D. Camia
Ipinagmalaki ng Malacanang ang mga achievements ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Anunsyo ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, pumangatlo ang Pilipinas sa COVID-19 testing kada milyong populasyon habang pangalawa naman sa kabuuang bilang ng tests sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon pa kay Roque, pinaigting na ang contact tracing sa pamamagitan ng Staysafe.PH app at karagdagagn 27,000 contact tracers sa NCR Plus.
Habang patuloy din ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon din kay Roque na pangatlo ang bansa sa may pinakamaraming nabakunahan kontra COVID-19 sa Southeast Asia.
“Critics and the detractors of the administration have always something to say,” giit nito.
“It is worth mentioning that the increase in the number of cases is seen not only in the Philippines, but it is reflected worldwide as per World Health Organization Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe,” dagdag pa ni Roque.