ni Bella Gamotea
Binuksan ng Taguig City Government ang dalawa pang karagdagang vaccinations sites na layuning mapabilis ang isinasagawang pagbabakuna sa mga residente sa lungsod.
Ang dalawang bagong vaccination sites ay ang 4th Community Vaccine Center sa Western Bicutan National High School sa Barangay Western Bicutan at ang 3rd Mega Vaccination Hub sa Samsung Hall ng SM Aura sa Bonifacio Glodal City na binuksan nitong Abril 13 at 14. Ito na ang ika-anim at ikapitong vaccination sites ng lungsod.
Unang itinayo ang dalawang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area at Vista Mall Parking Building, tatlong Community Vaccine Centers sa RP Cruz Elementary School, Maharlika Elementary School, at EM’s Signal Village Elementary School
Nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa mga health workers, senior citizens, at persons with comorbidities sa lungsod kasabay ng pagtiyak ng lokal na pamahalaan na ang proseso sa pagbabakuna ay tumutugon sa protocols lalo na sa mga itinuturing na vulnerable sectors.
"The city continues to vaccinate those who are in categories A1, A2, at A3. We prioritize them because they are the most vulnerable sector. These are the most vulnerable sectors that if infected, there are high chances that they will experience severe symptoms,” ani Mayor Lino Cayetano, sa kaniyang weekly report.
Batay sa datos noong Abril 12, 2021, naturukan na ng bakuna ang kabuuang 17,375 na nasa A1, A2, at A3 Priority Group lists at nasa 926 na ang front liners na nabakunahan na ng end dose.
Nagsasagawa rin ng pagbabakuna maging weekends at holidays upang agarin ang pagbibigay ng proteksyon s amga constituents. Hinikayat din ang mga residente na magpatala sa Taguig “TRACE” at bisitahin ang “I Love Taguig” Facebook Page para sa karagdagang impormasyon sa pagrehistro sa TRACE.
Patuloy pa ang pamamahagi din ang lokal na gobyerno ng stay-at-home food packs simula nang ipatupad ang enyhanced coimmunity quarantine (ECQ) hanggang ngayong nasa MECQ na at ang Social Amelioration Program na nagmula sa national government.