Ni Edwin Rollon

ALCANTARA – Ipinagpaliban muna ng organizers ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang nakatakdang laro ngayon Huwebes para balangkasin ang usapin hingil sa kontrobersyal na idinulot nang ‘unprofessionalism’ ng ilang players sa laro ng ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes at Siquijor Mystics Miyerkoles ng hapon.

Nakatakda sanang magsagupa sa Alcantara Civic Center ang KCS Computer Specialist-Mandaue laban sa Tabogon Voyagers ganap na 2:00 ng hapon, kasunod ang duwelo ng MJAS Zenith-Talisay at Siquijor sa 5:00 ng hapon, at ang harapan ng

Ayon kay Vismin Cup secretary-general Chelito Caro, matapos ang masinsin na pakikipag-usap sa technical officials, makabubuting maresolba na muna ang isyu sa naging takbo ng laro ng Lapu-Lapu at Siquijor na aniya’y makasisira sa batang imahe ng liga.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Naging usapin sa social media ang tila game-fixing bunsod nang magpahayag ng pagkairita ang ilang basketball personalities sa tila sadyang hindi pagbuslo ng bola sa layup ng Siquijor players, habang isang player ng ARQ ang tumira sa free throw nang magkabilang kamay ang ginamit.

Natapos ang halftime sa 27-13 pabor sa Lapu-Lapu, ngunit hindi na itinuloy ang laro matapos magkaroon ng power interruption sa venue.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Vismin Cup management sa kasalukuiyan, habang gumugulong na rin ang sariling pagsusuri ng Games and Amusements Board (GAB) sa insidente batay na rin sa report ng GAB representative sa liga.

Ayon kay Chief Executive Officer Rocky Chan na makakaasa ang mga tagahanga na mapaparusahan ang mga indibidwal na mapapatunayang may ginawang kabalbalan, habang siniguro na magpapatuloy ang laro sa Biyernes ganap na 4:00 nghapon kung saan haharapin ng KCS Computer Specialist-Mandaue City at Tabogon Voyagers at magtututops ang Tubigon Bohol Mariners at Dumaguete Warriors ganap na 7:00 ng gabi.

Samantala, sa pagbabalik ng kuryente nitong Miyerkoles, natuloy ang dalawang larong nakatakda kung saan ginapi ng MJAS Zenith-Talisay City Aquastars ang Dumaguete Warriors, 92-72, para sa ikatlong sunod na panalo at solong liderato sa liga.

Ginapi naman ng KCS Computer Specialist-Mandaue City ang Tubigon Bohol. 97-71.

Iskor:

MJAS-Talisay (92)—Cabahug 24, Hubalde 11, Albina 11, Santos 9, Eguilos 9, Jamon 7, Ugsang 5, Mojica 5, Gimpayan 4, Mabigat 2, Alvarez 2, Cuyos 2, Villafranca 1, Dela Cerna 0, Menina 0.

Dumaguete (72)—Doligon 13, Nacpil 13, Regalado 11, Gabas 8, Velasquez 7, Mantilla 7, Roy 7, Monteclaro 3, Aguilar 2, Porlares 1, Gonzalgo 0, Ramirez 0.

Quarterscores: 33-15, 48-34, 71-49, 92-72

KCS-Mandaue (97)—Imperial 17, Mendoza 15, Solera 14, Castro 11, Nalos 7, Cachuela 7, Octobre 6, Soliva 5, Delator 4, Mercader 4, Bonganciso 4, Roncal 3, Tamsi 0.

Bohol (71)—Marquez 20, Llagas 11, Musngi 11, Dadjijul 10, Tilos 5, Leonida 4, Cabizares 4, Casera 4, Ibarra 2, Montilla 0.

Quarterscores: 22-15, 45-35, 62-54, 97-71