AFP
Nanawagan ang World Health Organization noong Martes na itigil qng pagbebenta ng mga live wild mammals sa mga merkado lupang maiwasan ang paglitaw ng mga bagong sakit.
Sinabi ng WHO na habang ang tradisyunal na mga merkado ay may pangunahing papel sa pagbibigay ng pagkain at pangkabuhayan para sa malalaking populasyon, ang pagbabawal ng pagbebenta ng mga buhay na ligaw na mammal ay maaaring maprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa sa merkado at mamimili.
Sinabi nito na ang ilan sa mga pinakaunang kilalang kaso ng Covid-19 ay may link sa isang pakyawan na tradisyunal na merkado ng pagkain sa Wuhan, China, kasama ang marami sa mga paunang mga pasyente ay mga may-ari, empleyado ng merkado o regular na mga bisita sa merkado.
Ang interim guidance ay inilatag kasama ng World Organization for Animal Health (OIE) at ng United Nations Environment Program (UNEP).
"The guidance calls on countries to suspend the sale of captured live wild mammals in food markets as an emergency measure," sinabi ng WHO.
"Animals, particularly wild animals, are the source of more than 70 percent of all emerging infectious diseases in humans, many of which are caused by novel viruses. Wild mammals, in particular, pose a risk for the emergence of new diseases," ayon dito.
"Traditional markets, where live animals are held, slaughtered and dressed, pose a particular risk for pathogen transmission to workers and customers alike," sinabi ng guidance.
Nanawagan din ito sa mga pamahalaan na isara ang mga seksyon ng mga merkado ng pagkain na nagbebenta ng mga buhay na ligaw na hayop maliban kung may sapat na mga pagtatasa sa peligro na nakalagay.