ni Mary Ann Santiago

Mananatili pa ring suspendido ang bentahan ng tiket ng lahat ng palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa Abril 30.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Lunes ng gabi, sinabi ng PCSO na alinsunod sa pinakahuling direktiba ng pamahalaan na isailalim sa MECQ ang NCR Plus areas, na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal; gayundin ang mga lugar ng Santiago City, Quirino at Abra, mula Abril 12 hanggang 30, ang pagbebenta ng tiket para sa lahat ng PCSO games, kabilang na ang lotto, at Small Town Lottery (STL) draws, ay mananatiling suspendido.

Samantala, alinsunod sa executive order na inisyu ng provincial government ng Ilocos Sur at La Union na naglalagay sa ilang lungsod at munisipalidad sa ilalim ng MECQ, ang pagbebenta ng lotto tickets, digit games, instant Sweepstakes at STL ay suspendido rin, ngunit ang pagsasagawa ng STL draws ay mananatili.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang STL at Keno draws at pagbebenta ng instant sweepstakes tickets sa mga lugar na hindi naman sakop ng MECQ ay mananatiling bukas, maliban na lamang kung ito’y superseded ng issuance ng ibang quarantine classification.

Samantala, ang PCSO gaming operations naman sa iba pang lugar sa bansa ay susunod sa respective local government units quarantine o localized lockdown guidelines.