ni Stephanie Bernardino

INANUNSIYO kamakailan ng BBC Studios at ABS-CBN Corporation ang isang bagong scripted format agreement para sa Pinoy version ng psychological drama na Doctor Foster.

Ayon sa press statement ng network, ang Pilipinas ang magiging ikaanim na international market na nakakuha ng lisensiya para sa “Doctor Foster” format, na una nang in-adapt sa South Korea, France, Russia, Turkey, at India.

Umere na sa France ang ikalawang serye at kasalukuyan nang ginagawa ito sa India.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Maganda ang naging pagtanggap ng audience sa bersyon ng South Korea—na kilala locally bilang The World of the Married—naging highest-rated drama sa cable TV history ito ng bansa.

'The World of Married' ng South Korea

Of course, excited na ngayon pa lang ang mga fans hinggil kung sino ang mga bibida sa Pinoy adaptation.

Sa katunayan, muling nagte-trending ang meme tungkol sa controversial stars na sina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto.

Samantala, lumulutang ang pangalan nina Judy Ann Santos at Charlie Dizon na bali-balitang gaganap sa titular roles.

Umiikot ang kuwento ng drama sa isang babase na naghihinalang na niloloko siya ng kanyang asawa. Sisimulan ni Dr. Gemma Foster ang isang imbestigasyon na magdadala sa kanya sa isang madilim na daan ng obsession.