ni Mary Ann Santiago

Magkakaroon na ng sariling regional hospital ang lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo, sa ngayon ay isinasapinal na lang ang plano para sa konstruksiyon ng naturang health facility na tatawaging “Northern Tagalog Regional Hospital.”

Nitong Martes ay pinangunahan nina Janairo at 2nd District of Rizal Representative Congressman Juan Fidel Felipe Nograles ang on-site inspection sa magiging lokasyon ng health facility sa Barangay San Jose, sa Rodriguez, Rizal.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Ang naturang proposed level- II apex hospital ay magkakaroon ng 2-storey facility at 200-bed capacity at itatayo sa isang hektaryang lote na binili ng lokal na pamahalaan ng Montalban.

Ayon kay Janairo, magkakaroon ito ng operational emergency room at out-patient department na kaagad na mag-o-operate sa sandaling matapos na ang first phase ng proyekto sa taong ito.

“A Covid and non-covid will also be operation within the year to augment the needs of other hospitals in the province,” ani Janairo. “It will also include a dietary, morgue, motorpool, laboratory, x-ray, central supply storage, operating room, delivery room, wards and intensive care units once the hospital is completely refurbished.”

“Two floors of basements will be constructed, one for parking and one will serve as staff quarters,” aniya pa.

Ang Northern Tagalog Regional Hospital project ay popondohan ng health department sa pamamagitan ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) at may kabuuang halagang P839,637,000.

Nabatid na ang health facility ay inisyatibo ni Nograles upang makapagkaloob ng health care para sa mga mamamayan sa naturang lalawigan.

Ang formal groundbreaking ceremony para sa Northern Tagalog Regional Hospital ay nakatakda namang idaos sa Abril 23, 2021.