ni Leonel M. Abasola
Iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat ang importasyon ng karne ng baboy ang huling opsyon para manatiling matatag ang suplay nito sa bansa.
Aniya, malaking bagay ang pagbaba ng pork import tariff na umabot ssa 5% mula sa dating 40 % o 35% ang ibinaba at magdudulot din ito ng pagdagsa ng mga karne ng baboy sa merkado at tuluyan na rin babagsak ang mga local hog raisers.
Hinamon din ni Zubiri si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na pag-aralang mabuti ang magiging epekto nito sa lokal na industriya.
“Policy-wise, importation should be the last resort of the DA. Take a look at Thailand and Vietnam. Pinagtitibay nila ang local agriculture nila. That is food security,” ani Zubiri,
Sinabi pa ni Zubiri na noong Marso 2019 binalaan na niya ang DA hinggil sa African Swine Flu (ASF) at inerekomenda niya din ang pagbawal ng importasyon ng mga karne na galing sa bansang may ASF pero nakapasok pa din ito sa pamamagitan ng ilegal na pamamaraan.
“Ang balita pa ng mga importers ay tumaas pa lalo ang presyo ng imported pork products nung nalaman nang pork producers ng ibang bansa na binabaan natin ang taxes nito, kaya triple whammy ang nangyari.Nalugi na ang mga magsasaka, tapos nalugi pa ang gobyerno dahil nawalan ng buwis, at ang malala pa ay mahal pa rin ang presyo ng baboy." dagdag pa nito