ni Bella Gamotea

Nasabat ng mga pulis ang tinatayang P302,600 halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Col Harold Depositar, hepe ng Makati City Police ang mga naarestong suspek na sina Jomar Serio y Ochobillio, alyas Waray, 37, contractor, at Terence John Ferrer y Dingle, alyas TJ, 22, at kapwa residente sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Chief,Brigadier General Eliseo Cruz mula kay Cpl Ryan Rosendo, imbestigador, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt Romulo Villanueva sa

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

#4050 ProgresoStreet, Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City, na ikinaaresto ng dalawang suspek dakong 9:30 ng gabi nitong Lunes, Abril 12.

Binentahan umano ng mga suspek ng droga sa halagang P4,000 ang police poseur buyer na sanhi ng kanilang agarang pagkakalambat.

Nasamsam kina Serio at Ferrer ang anim na pakete ng umano’y 44.5 gramo ng shabu; P1,000 bill, at tatlong boodle money na ginamit na buy-bust money ng awtoridad.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng pulisya ang dalawnag suspek an mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati Prosecutor’s Office.