ni Bella Gamotea

Nagpasalamat si National Capital Region Police (NCRPO) Chief, Major General Vicente Danao Jr. sa mga natanggap na donasyong ipinagkaloob ng Pasay City Police Station at ng isang negosyante, iniulat kahapon.

Nasa 49 kahon o 3,528 pirasong beef noodles; 50 kahon o 3,600 pirasong chicken noodles; at 19 kahon (1,900 piraso) ng canned goods ang ibinigay ng Pasay City Police sa ilalim ng liderato ni Col. Cesar Paday-os sa NCRPO.

Ang donasyong ay bilang suporta sa kawanggawa ng NCRPO para sa mga pinakaapektadong mga pamilya sa komunidad at ng mas istriktong implementasyon ng community quarantine protocols sa Metro Manila.

Eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon

Nagpaabot din ng ayuda si Mr. Robert Gaza, may-ari ng Digama Waste Management sa pamamagitan ng donasyong isang bagong Suzuki Mini Truck para sa NCRPO's Mobile KTB Project (Kusina, TelEskwela at Bayanihan).

Ang suporta ni Gaza ay magpapabuti sa isinasagawang feeding program, lectures at iba pang aktibidad para sa mga mag-aaral, out- of- school youth at mga batang nasa lansangan sa Metro Manila sa ilalim ng NCRTF ELCAC Program on Basic Services and Poverty Reduction and Livelihood Employment Cluster at ng pagsusumikap ng NCRPO na abutin at tulungan ang mas maraming bilang pa ng pamilya at komunidad na apektado ng pangdaigdigang krisis pangkalusugan sa NCR-wide.

Ayon kay MGen Danao magagamit ang mga donasyon sa kampanya na mapagaan ang matinding epekto ng pandemya sa mga pinakavulnerableng sector sa lipunan sa pamamagitan ng proyektong "Serbisyong TAMA: Barangay Caravan".

"I greatly appreciate the generosity of Mr. Gaza and Pasay City Police Station under PCOL CESAR G PADAY-OS in sending out donations which we can use to aid in our campaign to help the most vulnerable sectors of our society by giving them food packs and health kits to help ease out hunger and other ill-effects of this global pandemic,” aniya.