ni FER TABOY

Nagsilikas ang mga sibilyan bunsod ng engkuwentro ng mga armadong grupo sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao, iniulat kahapon.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba,

nagkasagupa ang mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Dawlah Islamiyah ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (DI-BIFF) sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tumagal ng halos tatlong oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ang mga ito patungo sa mga ligtas na lugar.

Humupa lang ang engkwentro ng MILF at BIFF nang dumating ang tropa ng militar at pulisya.

Isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa barilan ng dalawang Moro Fronts.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central katuwang ang MILF laban sa BIFF sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.