ni Jun Fabon
Wala munang mga pagputol ng kuryente sa mga lugar na apektado ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Meralco.
Inihayag ng Manila Electric Co. (Meralco) na patuloy ang suspensyon ng mga pagputol ng kuryente hanggang April 30, 2021.
Ito ay kasunod ng anunsiyo ng pamahalaan na ilagay sa MECQ ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa MECQ hanggang sa katapusan ng buwan.
“Given the ongoing pandemic situation and the latest quarantine measures, and always conscious of the challenges our customers are facing amid these trying times, we will continue to put on hold all disconnection activities until April 30 2021,” lahad ni Ferdinand O. Geluz, Meralco FVP and Chief Commercial Officer.
Aniya, inasahan na ang nasabing extension ay gagaan ang pasanin ng consumers, magkaroon ng kaginhawahan at sapat na oras para maayos ang mga bayarin sa Meralco.
Ayon pa sa opisyal, patuloy na ang Meralco ay magbibigay ng konsiderasyon sa naturang panahon ng pangangailangan ng tulong sa mga kustomer sa loob ng 24 oras.
Habang iginiit ng Meralco na patuloy ang 'vital operations' tulad ng meter reading, kasunod ng kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC), at pagtrabaho ng 'round the clock' upang silbihan ang mga kostumer.
“Meralco business operations, including meter reading and bill delivery activities, will continue throughout the MECQ,” dagdag ng opisyal.