ni Dante A. Lagana
ABA sinong mag-aakalang uungusan ng kabago-bagong noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud (LOL) ang It’s Showtime na dekada nang umeere sa free TV. Nangunguna na kasi sa viewership at ratings ang LOL.
Ini-launch last year ng October ang nasabing show sa pangunguna nila Billy Crawford aka Daddy Bills, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, KC Montero, Ariel Rivera, Wacky Kiray at K Brosas. Walang tulak kabigin ang mga paandar at katatawanan at galing sa pagho-host ng grupo kaya naman swak sa panlasa ng mga manonood. E paano naman din todo-bigay ang energy ng bawat isa sa kanila para mapasaya ang mga viewers kaya pihadong inaabangan at sinusubaybayan. Team effort talaga ang ibinibigay nila para lalong mapaganda ang show. Bukod pa doon ang the man behind the success ng LOL ay walang iba kundi ang star builder at highly respected TV director na si Direk Johnny Manahan.

Lolways panalo sa ratings ang LOL mula December 2020 hanggang March 2021 kontra sa It’s Showtime na umeere sa A2Z. Nakamit ng LOL ang 816K Average Minute Rating (AMR) pinakamataas na nakuha ng programa last January na malayo sa 559K ng It’s Showtime sa parehong buwan. Ang source nito ay ang Nielsen Arianna PHINTAM Individuals.
Malamang nagustuhan ng mga manonood ang LOL dahil sa dami ng mga pa-contest, pakulo at papremyo ng show gaya ng KanTrabaho, H.O.P.E, Drag Queendom at Pera-Usog. Ang inaabangang wish granting segment na Sagot Mo, Sagot Ko with Daddy Bills na maraming natutulungan.
Para mawitness ang buong kaganapan sa Lunch Out Loud panoorin mula Lunes hanggang Sabado, 12 ng tanghali sa TV5, hatid ng Brightlight Productions.