ni Mary Ann Santiago 

Dalawang magkasunod na weekends na suspendido ang operasyon ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong Abril.

Ito’y upang bigyang-daan ang maintenance at rehabilitation activities o pagsasaayos sa kanilang linya at mga tren at istasyon; at pagpapalit ng overheard catenary wires upang mapabuti pa ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang mga pasahero.

Batay sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, wala munang operasyon ang LRT-1 sa Abril 17 at 18, gayundin sa Abril 24 at 25, 2021.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Ayon sa LRMC, ang pagsasaayos ay naumpisahan na noong Semana Santa ngunit minabuti nilang ituloy na rin ngayong Abril.

Bukod dito, paghahanda na rin anila ito para sa inaasahang commercial use ng bagong Generation-4 trainsets sa huling bahagi ng taong 2021.

“The works to be carried out during this period would cover the maintenance of trains, stations, and various systems including the scheduled replacement of overhead catenary wires,” anito. “The additional days will also accelerate the preparations needed for the commercial use of the new Generation-4 train sets in fourth quarter 2021.”

Sinabi ng LRMC na magde-deploy ang Department of Transportation (DOTr) na mga public utility buses (PUBs) sa Route 17 o Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue upang magsakay ng mga pasahero maaapektuhan ng pansamantalang weekend shutdown.

Samantala, walang magaganap na pagbabago sa service schedule ng LRT-1 sa weekdays o Lunes hanggang Biyernes, na 4:30AM hanggang 9:15PM, northbound train; at 4:30AM hanggang 9:30PM para sa southbound train.