ALCANTARA – Napilitan ang organizers ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na itigil at ipagpaliban ang laro ng ARQ Builders-Lapu Lapu City at Siquijor matapos mawalan ng kuryente ang Alcantara Civic Center sa Cebu.

Tangan ng ARQ ang 27-13 bentahe sa halftime nang mawalan ng supply ng kuryente sa bayan ng Alcantara.

"We had a power interruption here in Alcantara. Though we have a generator, it could not sustain our internet which has forced us to postpone the game," pahayag ni VisMin Cup Chief Operating Officer Rocky Chan.

Bago ang desisyon, masinsin na kinausap ni Chan ang mga opisya; ng dalawang koponan. Ipinalalabas ang laro sa kauna-unahang professional basketball league sa South sa pamamagitan ng livestreaming sa iba’t ibang social media network, kabilang ang Facebook at Youtube. Ipinalalabas din ang mga laro via delayed telecast sa Solar Sports.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang mga nakatakda pang laro kahapon sa pagitan ng Tubigon Bohol at KCS Computer Specialist-Mandaue, gayundin ang laban ng Dumaguete at MJAS Zenith-Talisay ay ipinahayag na maitutuloy sakaling magbalik ang supply ng kuryente.