ISA ang Pilipinas sa 60 national teams na sasabak sa 3rd edition ng FIBA Esports Open na magsisimula bukas (Abril 16).

"The popularity of the FIBA Esports Opens is plain to see, with 17 national teams having taken part in the inaugural esports competition last June and then 38 in the recent FIBA Esports Open II," ayon sa pahayag ng world governing body ng basketball.

Ang E-Gilas Pilipinas ay maglalaro sa South-East Asia Conference ng torneo kasama ng Indonesia, Mongolia, Maldives, Sri Lanka atVietnam.

Kasabay ng South-East Asia Conference, gaganapin din ang mga laro para sa Africa at Middle East Conferences ngayong weekend.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gagawa rin ng kasaysayan ang FIBA Esports Open III dahil sa unang pagkakataon, ang North & Central America at Europe Conferences ay magkakaroon ng dalawang divisions - ang Current Generation na maglalaro ng PS4 at angNext Generation na maglalaro naman ng PS5.

Magsisimula ang kanilang torneo sa Abril 23.

Nanguna ang Pilipinas sa Southeast Asia Conference sa inaugural edition ng FIBA Esports Open noong Hunyo 2020 bago pumangalawa saFIBA Esports Open II na idinaos noong Nobyembre kung saan pinagsama ang Asia at Oceania regions.

Ang FIBA Esports Open ay bahagi ng ginagawang pagpapalawak ng FIBA sa kanilang community.

Ang torneo ay nilalaro sa NBA2K gamit ang pro-AM mode. Marivic Awitan