ni Leandro Alborote
Isang presong babae na hinihinalang naaburido sa kinasangkutang kaso sa droga ang iniulat na inatake sa puso sa loob ng kulungan dito kamakalawa ng umaga.
Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Paul T. Pariñas, may hawak ng kaso, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tarlac Provincial Hospital si Annett Quinto, 45, may-asawa ng Sitio Buno, Barangay Matatalaib, Tarlac City.
Napag-alaman na dakong 7:50 ng umaga ay napansin ni Police Corporal Narly Novesteras na inatake sa loob ng kulungan si Quinto, at kaagad siyang isinugod sa ospital subalit makalipas ang ilang oras na gamutan namatay.