TULOY ang koleksyon ng tropeo ni James De los Santos sa e-Kata. Nakamit ng world No.1 e-kata player sa mundo, ang Katana Intercontinental League # 3.

Tinalo ni De los Santos ang beterano na ring si Matias Domont ng Switzerland, 27.4-26.38, sa finals para maangkin ang kanyang ika-14 na gold medal ngayong 2021.

Una niyang pinataob sina Alfredo Bustamante ng US, Cornelius Johnsen ng Norway at Remi Bonneau ng France upang maitakda ang pagtutuos nila ni Domont na dumaan naman sa limang kalaban para umabot ng finals.

Sa kasalukuyan ay nakatipon na si De Los Santos ng kabuuang 50 gold medals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"I realized that in addition to last year, I've already reached an overall total of 50 gold medals from competing virtually," wika nito.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya sya hihinto sa pagsali sa mga e-kata competitions. Marivic Awitan