Matapos ang mahigpit na dalawang linggong lockdown, niluwagan na angNational Capital Region Plus bubble nang isailalim ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Inilagay din ang Abraat Santiago City sa Isabela sa MECQ.
Matapos ang mahigit isang taon nang isailalim sa ECQ ang Luzon, nakagawa ba ang bansa ng makabuluhang pag-unlad upang makontrol ang impeksyon?
Nagkaroon ng national health emergency bunsod na rin ng matinding economic recession na nakaapekto sa upward growth trajectory ng bansa. Sa ikatlo nitong bahagi, nagkaroon din ng learning crisis dahil naka-lockdown mode pa rin ang karamihan ng paaralan.
Nakatuon ngayon ang problema sa NCR-Plus bubble kung mahigit-kumulang 80 porsiyento ang naitalang panibagong kaso mula nang magsimula ang ECQ tatlong linggo na ang nakararaan. Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ng Department of Health ang pagpapakalat ng 136 na doktor at nars sa pitong DOH hospitals, dalawang specialty hospital at isang regional hospital sa Metro Manila --- pawang nakatuon lamang sa pagbibigay ng dagdag na suporta sa COVID-19 response.
Inanunsyo rin ni Presidential spokesman Harry Roque na nagdagdag din ng 3, 156 kama upang matugunan ang panibagong pagtaas ng kaso ng sakit.
Nakapapangamba pa rin ang 75 percent occupancy ng ICU beds na nagpapatunay na mataas ang lebel ng critical at severe cases.
Samakatuwid, binanggit ni Roque ang ipatutupad na isa pang hakbang sa
NCR-Plus bubble upang unahin ng mga local government unit ang generation of demand para sa pagbabakukuna para sa mga mayroong highest risk for severe disease and death, particular na ang Priority Groups A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities).
Nakadagdag pa sa pangamba ng taumbayan ang mabagal na pagbabakuna.
Sa latest na datos ng DOH, lumabas na aabot na sa 2,525,600 doses ang naideliber kung saan aabot lamang ng 922,898 o nasa 37 porsiyento lamang ang nagamit. Aabot lamang ng 1,936,000 doses o 77 percent ang naipamahagi sa 2,670 vaccination sites. Malinaw na kailangan pang kumilos ang gobyerno upang mabigyan ng kamalayan ang publiko kaugnay ngavailability ng bakuna at kumpiyansa sa bisa nito upang mahikayat ang mga ito na magpabakuna.
Inatasan na ni Bishop Virgilio David ng Caloocan City ang lahat ng 31 na parokya sa kanyang diyosesis sa Caloocan, Navotas at Malabon na lumikha ng kanilang health ministry na magpapakilos ng mga volunteer na aagapay sa government at private agencies sa pagsubaybay sa mga kaso ng COVID-19 at pag-aaruga sa mga nahawaan nito. Bibigyan ang mga pasyente ng maliliit na package na naglalaman ng mga gamot at bitamina, kalakip ang mga praying card at rosary.“We want to make them feel that they are cared for, not just spiritually but also physically, psychologically, and emotionally,” ani David.
Nalantad ito sa gitna nang patuloy na pagrereklamo kaugnay ng hindi sapat na ayuda ng pamahalaan sa mahihirap na pamilya sa NCR-Plus bubble.Sa panahon ng pangamba dahil sa epekto ng pandemya, umaasa ang mga Pilipino na magkakaroon ng positibong hinaharap sa tulong ng matibay na pananampalataya.