Ni Edwin Rollon
HUMINGI ng tulong ang World Boxing Council (WBC) sa Philippine Games and Amusements Board (GAB) para matukoy at maipaalam sa mga local promoters na bukas para sa promosyon ang bakanteng international titles sa strawweight (minimumweight) at flyweight division.
Sa ipinadalang mensahe via email ni WBC International head Mauro Betti nitong Linggo kay GAB Chairman Abraham Baham’ Mitra, humingi ng ayuda ang boxing body na maipalam sa mga local promoters ang oportunidad na magsagawa ng laban para mabigyan ng pagkakataon ang Pinoy fighters na makamit ang inaasam na world title.
“I would like to inform you that the WBC International Flyweight title is now vacant. Together with the Strawweight belt, this could be a good opportunity for any Filipino promoter to stage the vacant title fight.
"I would be very grateful if you could help me achieve a chance in your country," pahayag ni Betti, tulad ni Mitra ay miyembro rin ng makapangyarihang WBC Board of Governors.
Kaagad namang inilatag ni Mitra sa GAB social media account ang naturan sulat sa pag-asa na may tumanggap na local promosyon sa naturang alok at mabigyan nang pagkakataon ang Pinoy fighters na matupad ang minimithing world title.
“Magandang pagkakataon ito para sa ating mga local promoters at fighters. Mahirap ang katayuan ng ating ekonomiya sa kasalukuyang pandemic, but this once in a lifetime chances eh mahirap palagpasin,” pahayag ni Mitra.
Batay sa record, ang international title ang pinakamataas na regional championship ng WBC. Ang international title holder ay awtomatikong napapabilang sa listahan ng contender para sa mas mataas na World Championship.