NAKAPAGTALA ng bagong national record sa women's hammer throw ang Filipina-Canadian na si Shiloh Corrales-Nelson.
Nagawa ang nasabing bagong Philippine recordmatapos ang gold winning performance ng 19-anyos na si Corrales-Nelson sa Triton Invitational sa San Diego, California nitong weekend.
Naibato sa layong 50.63 meters ng first year student sa University of California Riverside (UCR) na si Corrales-Nelson ang hammer para burahin ang 8-taong rekord na 50.55 meters na naitala ni Loralie Amahit-Sermona noong Asian Championships sa Pune, India.
Sa lumabas na panayam kay UCR track coach Candace Fuller sa kanilang website, nagawa ni Corrales-Nelson ang bagong rekord sa huli nitong pagbato.
Nakababatang kapatid ng sprinter na si Zion,silver medalist noong nakaraang 30th Southeast Asian (SEA) Games, si Shiloh st ang kanyang ate ay may dugong Pinoy dahil sa kanilang inang si Editha Corrales.
Sapagkat bata pa kung ihahambing kay Amahit-Sermona na edad 29-anyos ng maitala ang dating rekord, inaasahang malayo pa ang mararating ni Corrales-Nelson.
Samantala, nanalo rin si Corrales-Nelson ng silver medal sa shot put event sa naitala nyang hagis na may distansyang 13.03-meter habang tumapos syang pang-anim sa discus throw matapos magtala ng 39.11 meters. Marivic Awitan