ni Bella Gamotea

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines ang publiko at medical health professionals sa isang uri ng ‘falsified’ o pekeng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kumalat at natukoy na ginagamit sa Mexico.

Kaugnay nito, inalerto ng FDA ang publiko dahil sa pinangangambahang posibleng iligal na makapasok sa bansa ang naturang pekeng bakuna.

Ayon sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na ‘falsified’ ng World Health Organization kamakailan matapos matuklasang mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.

National

Frontal system, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH

Sa nakalagay na label na COVID-19 Vaccine BNT16b2 na may expiration date na August 24 ( walang year kung kailan ang expiration); manufacturer na Pfizer BIONTECH; at Packaging language sa English.

Inihayag ng FDA na kamakailan lang kinumpirma ng WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at falsified din ang batch at expiry date ng nasabing bakuna na na-detect na itinuturok sa Mexico , na hindi sakop ng authorized vaccination programs.