NAUNGUSAN ng All-Pinoy TNC Predator ang karibal na OB Esports x Neon para angkinin ang korona sa 2020/2021 Asia-Pacific Predator League's Dota 2 competition nitong Linggo.

Naiuwi ng TNC Predator ang grand prize US$50,000 sa torneo na tinampukan ng pinakamahuhusay na koponan sa rehiyon.

Kapwa impresibo ang kampanya ng TNC at OB.Neon sa unang dalawang round ng best-of-one matches upang maisaayps ang duwelo sa semifinals ng double-elimination playoffs. Nagwagi ang OB.Neon para malaglag ang TNC lower bracket bago nanaig sa BOOM Esports sa sumundo na round para masikwat ang unang spot sa grand finals.

Mula sa lower bracket, nagawang magapi ng TNC ang Galaxy Racer, Reckoning Esports, at BOOM Esports para makuha ang ikalawang fina; slots at muling makaharap ang OB.Neon para sa best-of-three grand finals.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Maagas ang simula ng TNC na sumirit sa 30-11 bentahe sa loob ng 36-minutong labanan. Nanguna si Armel Paul "Armel" Tabios sa Invoker tangan ang siyam na kills laban sa isang ‘death’, habang kumasa si Kim "Gabbi" Villafuerte ng pitong kills.

Sa Game two, mas naging mabagsik ang TNC, sa paangungbuna ni Gabbi's Queen of Pain na kumana ng 20 kills laban sa dalawang death s aloob lamang ng 29 minuto.

Bunsod ng panalo, nakamit ng TNC ang ikalawang Asia-Pacific Predator League title matapos magwagi noong February 2019. Naibulsa naman ng OB.Neon ang premyong US$25,000.

Nakamit din ng TNC ang titulo sa unang pagkakataon na All-Pinoy ang lineup. Humiwalay sa grupo sina Australian offlaner Damien "kpii" Chok at South Korean support Kim "Febby" Yong-min nitong Marso matapos pumang-apat sa 2021 Dota Pro Circuit's (DPC) Southeast Asian regional league upper division.

Kinuha ng TNC bilang kapalit sina dating Omega Esports players Jun "Bok" Kanehara at Marvin "Boomy" Rushton.

Sa PlayerUnknown's Battlegrounds (PUBG) tournament, nagwagi ang

Indonesian team Eagle 365 Esports laban sa 16 na karibal para maibulsa ang US$37,500.